Monday, May 16, 2011

True Love

Ano itong aking nadarama
sa tuwing makikita ka
pintig ng puso'y anung bilis
masulyapan lang ang 'yong mukhang walang kawangis

Mundo ko'y nilagyan ng kulay
noong ito'y wala ng buhay
kaya ngayo'y 'di makapaghintay
na mahagka't mayakap ng walang humpay

Dumaan man ang mga pasakit
patuloy sa pagmamahalang walang pait
will you marry me? tanung mo sa akin
luha ay pumatak at oo ay sinabi

Anung saya, anung sarap
ng pagmamahalang puno ng pangarap
at sa simbaha'y sabay nating nasambit...
"I Do"..at pati puso'y umaawit

No comments:

Post a Comment