Monday, May 16, 2011

Psst... Sexy!!

Psst...Sexy...
Sigaw nung tambay sa kanto

Psst..Sexy...
Bulahaw na sambit nung tricycle driver

Psst...sexy...
Sabi nung manong na nagbibisikleta

Psst..sexy..
psst..sexy..
psst..sexy..

laging ganun ang aking naririnig
'pag nakikita ang binting puno ng ningning
at itim na shorts  na kay ganda ng fitting

psst..sexy..
muling narinig
nakakahalina sa pandinig
ngunit sa aking pagtingin....
mukha'y nakakarimarim
kala ko'y si Prince Charming o
sana'y mala K- pop ang dating

Pagkadismaya ng damdamin
ng muling may nagsambit
psst..sexy...
hindi na tumingin
lumakad ng matulin

Psst..sexy..
Psst..sexy..
Psst..sexy...

aking naririnig
ngunit chaka ang nagsasambit
meron ding 'di ko feel ang nagsabi
sana sa muli nilang pagsambit..psst..sexy..
paglingon ko'y si The one ang masilip..

No comments:

Post a Comment