Anu bang meron sa mga asian novelas lalong lalo na ang Korean novela at humaling na humaling ang mga tao?Naisip ko tuloy na panuorin at tanungin sa sarili ko kung mahuhumaling din ba ko..
Kauna-unahan kong napanuod na Asian novela ay ang Meteor Garden, Aba ay ang pagkaganda. Hook na hook ako eh. Nakakakilig pala at mejo nakakainis 'yung konntrabida. Ito pa lang una kong napanuod, eh aba hook na agad ako,,eh panu pa kaya 'yung susunod?hahaha
Dahil nga sa sobrang hook ko sa novela na 'yun, bumili ako ng posters, stickers at cards ng F4. Eh ang pagkakagwapo eh,panung hindi ka bibili?at panung hindi ka mahuhook?eh ang pagkaganda ng istorya. Ito 'yung Taiwan version, si Jerry Yan at Barbie Xu pa ang bida.
Kahit nga ilang ulit pang ipinapalabas sa Channel 2( certified kapamilya ako,hahaha), Aba'y pinanpanuod ko pa rin. Naglipana pa nga mga Cd's nuon eh,pero 'di ako bumili kasi masyado marami,MAHAL! Maganda kasi ang kwento,kakaiba..ikaw na ang magustuhan ng napakayaman at napakwapon lalake...kakaiba talaga...hahahaha
Marami pang nagsulputan na palabas,'yung sa Channel 7(kahit na certified kapamilya ako,nanunuod din naman ako sa kapuso,mga cartoons at mangilan ngilan na mgagandang k. novela) Endless Love,ay kaganda po naman. Talagang mapapiyak ka ih. Ako nga eh umiyak tapos 'yung music pa nila, haaays nakakadal ng emosyon.
Tapos 'yung Lavander na novela, kakaiyak din,kasi 'yung bidang babae may sakit parang sa endless love may sakit din 'yung babae. Ksad nga ng story eh, kaya touch na touch ako at naiyak talaga ako . May nakakatuwa din naman na story, 'yung my Sassy girl,inabangan ko din 'yun, maganda eh,palipat lipat nga ako ng cahnnel eh.
Marami pa ko na asian novela na napanuod lalo na ang Korean novela, Lovers in Paris, Lovers, Hot Shots, 3 Dads with One mom, My girl, It Started With A kiss, Romantic Princess, Hana Kimi, They kiss again, Love or Bread, save the Last dance, Green Rose, Perfect MAtch, Cinderella's sister, Only you, Wonderful Life, at madami pang iba,, 'di ko na tanda 'yung iba eh..Channel 2 lahat 'to at pinanuod ko lahat 'yan. Napupyat pa nga ako mapanuod lang 'yan kasi nilipat nila sa gabi dati kasi tuwing hapon 'yun kaya dalas dalas akong nauwi..hahaha maabutan ko lang 'yung pinapanuod ko.
Haaaays grabe ako mahook sa mga Asian novela,kakaiba kasi ang kwento lalo na ang mga korean novela. One time nga may nagsabi sa akin( si Abi- adik din sa korean novela,sya din nagsabi sa akin na maganda ang My Girlfriend Is a Fox at ang Mischievous kiss,,hahaha,,) 'yung You're beautiful( si Jang Geun Suk ang bida,ang gwapo!!) pinanuod ko sa mysoju.com at take note inabot ako ng ilang days para matapos ko lang 'yung palabas na 'yun. Kahit magkanda puyat puyat pa ako basta mapanuod ko lang 'yun at iimagine na ako ang bidang babae.hahahaha.
Dahil nga sobrang hook na ako, humiram ako sa pinsan ko( si Te Emps) ng mga discs nya ng korean novela. Hiniram ko 'yung My Girlfriend is a Fox, kainaman, sobrang kakainlove, kakakilig at kakaiyak. After ko mapanuod 'to, nag pabili talaga ako ng para sa akin at lagi kong inuulit ulit panuorin.Ina bot ako ng ilang days sa panunuod ang haba kasi, eh hanggnag episode 16. Pero sobrang sulit naman,satisfied ka talaga ng bonggang bongga. Muntik ko ng makalimutan 'yung KOrean version ng Meteor Garden,,ang Boys Over Flowers( havey na havey sa kagwapuhan ang mga bida-lao na si Gu Jun Pyo at Ji hoo) sobrang bongga ng kwento at casting. Dahil nga hook din ako, bumili ako ng cards..hahahaha
After kong matapos ang my girlfriend is a fox, wala pa ulit akong hiniram na discs at wala pa ulit akong pinanuod sa mysoju.com,kaya nakahumalingan ko naman 'yung Cinderella's sister as in puyat ako pati 'yung lola ko.hahahaha..nanunuod din kasi sya.hahahaha..Maganda daw, eh nung nanghiram ulit ako sa pinsan ko, hindi na ko nakapanuod ng cinderella's sister. Eh kasi mas nakakakilig 'yung hiniram ko na discs eh..hahahaha masyado kasing madrama 'yung cinderella's siter,pero maganda. Naumpisahan ko ng panuorin 'yung hiniram ko na disc, 'yung Mischievous Kiss( korean veersion ng it started with a kiss) ang gwapo ni Baek Sung Jo(Ji hoo ng F4) hahahaha. Mula umaga hanggang gabi ang panunuod ko. Napapagalitan at nasasabihan na nga ako ng di maganda pero tuloy pa rin ako,aba eto lang pampatanggal ng stress eh at ganda kaya bakit ko titigilan..hahaha
Sobrang ganda ng Mischievous Kiss,kahit hindi nakakaiyak aba'y nakakakilig naman eh,matutunaw ka sa kakiligan.hahaha Panalong panalo ang story na 'to, ang ganda kasi ng personality nung babae ( oh Ha Ni),hindi kasi sya sumusuko fighting kung fighting.. at 'yun lalake( Baek Sung Jo) kahit hard or masungit sya, sweet naman at caring sya...haaays grabe hindi ako makaget over sa MIschievous Kiss na 'yan...hhaha Try nyo panuorin..mararanasan nyo nararanasan ko..
May nakaabang pa ako na papanuorin 'yung My fair lady at Mary stayed out all night...hahahaha...pahinga muna sa panunuod..haha,...Ang GANDA talaga ng KOREAN NOVELA...love it soooooo much...
No comments:
Post a Comment